To Zelllllll

October 11, 2025

"ZEL!!! Tagalog ko’to susulatin sapagkat mas tipo mo ang tagalog eh. ZELLLLL!!! Kumusta? Kaya paba? Syempre kaya mo yan ikaw yan eh, Maligayang Kaarawan Zel! Nawa’y maraming masaya at maligayang araw ang dumating sa daan na tatahakin mo, sana alam mo na maraming tao ang nag papasalamat sa kasiyahan at bait na hatid mo sa mundo, na kahit hindi mo pa gaano kakilala ay nagagawa mo parin maging marespeto at mabait sakanila, isa na ako sa mga taong iyon. Alam ko na madalas sa mga paguusap o ating interaksyon natin ay nakakailang sapagkat, alam mona yon, ngunit syempre di’ko pa sinasabi. Ipinagdarasal ko ang iyong pag unlad sa lahat ng iyong gawain, maging ito man ay sa pag-aaral o sa pagsisikap kung ano man ang kursong tatahakin mo sa Kolehiyo, malaman mo sana na sinusuportahan kita sa lahat ng iyon gagawin at masayang manunuod sa iyong pag unlad, bilang kaibigan, lubos kong ikinakagalak na nakikita ko ang iyong pagsisikap sa iyong mga gawain, ang iyong mga pagpupuyat na alam kong iyong tinitiis, pero tandaan mo na huwag masyadong abusado sa iyong katawan sapagkat kailangan mo din ng pahinga, alam ko naman na hindi pa tayo ganon ka close o kalapit sa isa’t isa, at umaasa ako na sana ika’y kumportable sa aking mga sinasabi at lalo na ginagawa sa iskul. Kung hindi ka man kumportable ay sabihin mo nalang saakin at akin itong titigilan. Pero santabi ‘yon, nag papasalamat ako na naging kaklase kita at naging ka grupo syempre dahil tila lagi mo akong binubuhat sa mga gawain, salamat din sa iyong pagsisipag, dahil sa sipag na nakita ko sayo, nagkaroon ako ng lakas ng loob na sumubok ulit sa pag-aaral ng mas maayos pa, kung sakali man na nag kukulang pa ako. Sana’y manatili kang masaya sa iyong mga ginagawa at palaging mag-ingat, tandaan mo na lahat ng bigat at hirap na iyong nararanasan ngayon, ay hindi kukumpara sa saya na mararanasan mo sa iyong darating na kinabukasan. Muli, maligayang kaarawan, at padayon, Zel !!"